|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Kahapon, ika-2 ng Abril, ang ika-8 World Autism Awareness Day. Bilang pakikilahok sa "Blue Action" ng okasyong ito, magkakasamang nagsindi ng asul na ilaw kagabi ang mga kilalang tourist spot sa iba't ibang sulok ng Tsina. Ito ay para manawagan sa mas maraming tao na bigyang-pansin ang mga awtistik na bata, at tulungan silang makahulagpos sa kapanglawan.


Oriental Pearl TV Tower, Shanghai


Tengwang Pavilion sa Nanchang, Lalawigang Jiangxi

Chenghuang Pagoda ng Hangzhou, Lalawigang Zhejiang

Sa Liu Zhou, Rehiyong Autonomo ng Guangxi—Makikita ang mga Chinese character "关爱" na binubuo ng mga ilaw na nangangahulugang "pagmamahal," bilang panawagan sa mga tao na bigyang-pansin ang autism.
Noong ika-18 ng Disyembre, 2007, pinagtibay ng United Nations (UN) ang resolusyon kung saan itinuturing na World Autism Awareness Day ang ika-2 ng Abril. Ang aksyong ito ay naglalayong makatawag ng mas maraming pansin mula sa iba't ibang bansa hinggil sa autism, at manawagan sa mga tao na magbigay ng pagkatig at pagmamahal sa mga taong may autism. Ang asul ay unibersal na kulay sa buong mundo, na sumasagisag sa mga awtistik na bata. Sa kasalukuyan, 67 milyon ang bilang ng mga may-autism sa buong daigdig.
Salin: Vera
| ||||
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |