|
||||||||
|
||
Sa paanyaya ni Nguyen Sinh Hung, Pangulo ng Pambansang Asemblea ng Biyetnam, dumating ng Hanoi kahapon si Halimah Yacob, Ispiker ng Parliamento ng Singapore, para pasimulan ang opisyal na pagdalaw doon.
Ipinahayag ni Nguyen Sinh Hung na nakahanda ang Biyetnam na ipagkaloob ang lahat ng maginhawang kondisyon para sa mga mamumuhunan ng Singapore. Umaasa aniya siyang mapapalakas ang pakikipagkooperasyon ng Biyetnam sa Singapore sa mga larangang gaya ng kabuhayan at kalakalan, edukasyon, turismo, at siyensiya't teknolohiya.
Ipinahayag naman ni Halimah Yacob na ang estratehikong partnership ay pundasyon sa pagpapasulong ng kooperasyon ng dalawang bansa sa iba't-ibang larangan. Nananalig aniya siyang sa pamamagitan ng bukas na patakaran at kaakit-akit na kapaligirang pampamumuhunan, makakaakit ang Biyetnam ng mas maraming mangangalakal mula sa Singapore.
Salin: Li Feng
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |