HINDI sang-ayon ang Department of Education sa ulat ng Commission on Audit na ang P608 milyong halaga ng mga aklat noong 2011 para sa school year 2012 – 2013 ay sinauna at nasayang ang salapi ng bayan.
Sa isang pahayag, sinabi ng Department of Education na ginagamit pa rin ang mga aklat bilang reference materials sa mga paaralan. Pinag-handaan na ng kagawaran ang mga hamon ng bagong curriculum lalo na sa guro at mag-aaral. Bulang tugon, nagpalabas ng serye ng mga memorandum noong 2012 at 2013 kung paano gagamitin ang mga aklat bilang suporta sa pagpapatupad ng enhanced curriculum. Nanawagan na umano sila sa kanilang mga field supervisors na mag-imbentaryo ng mga aklat sa pagpapatupad ng bagong curriculum. Posibleng maluma ang aklat subalit hindi ito nangangahulugang 'di na mnapapakinabangan pa.
Hindi umano binanggit ng Commission on Audit na naibaba ng Department of Education sa halagang P 37 bawat aklat na hamak na mababa sa halaga ng mga aklat na nabili ng dating mga nasa kagawaran. Sa pagbabago ng curriculum sa Ingles, Matematika at Agham, may sapat na mga kagamatin upang mapayabong ang performance standards at mas mabuting nilalaman.