Ipinalabas kahapon ng Ministri ng Edukasyon ng Hapon ang resulta ng pagsusuri sa mga bagong teksbuk na gagamitin sa mga junior high school ng bansang ito sa susunod na taon.
Inilakip sa mga aklat na ito ang pagbabago sa mga dating pananalita hinggil sa Nanjing Massacre, hidwaan ng Hapon sa ilang bansa sa teritoryo, paggamit ng "comfort women," at iba pang isyu noong panahon ng World War II. Ipinalalagay ng mga kritiko na pahihinain ng mga pagbabagong ito ang impact ng mga ginawa ng tropang Hapones sa naturang digmaan.
Kaugnay nito, pinuna naman ng Tsina at Timog Korea ang pamahalaan ng Hapon. Sinabi ng panig Tsino na ang isyu ng teksbuk ay nagpapakitang hindi iginagalang ng pamahalaang Hapones ang kasaysayan, at ayaw pagsisihan ang pananalakay nito sa ibang bansa. Ipinahayag naman ng panig T.Koreano na ang pagbabahagi ng pamahalaang Hapones sa susunod na henerasyon ng pinilipit na ideya sa kasaysayan ay magdudulot ng pag-uulit ng bansang ito ng mga kamalian sa kasaysayan, at ipinakikita nitong ayaw ng Hapon na kunin ang tiwala ng mga karatig bansa.
Salin: Liu Kai