Kinuha ang larawan ng white tiger triplets sa Qingling Wildlife Park sa Xi'an, kabisera ng lalawigang Shaanxi, Tsina noong ikalawa ng Abril, 2015.
Ipinanganak noong ika-21 ng Disyembre, 2014 ng isang tiger na nagngangalang "Lele" ang dalawang babae at isang lalaki na tiger cubs. Ito ang kauna-unahang matagumpay na panganganak ng white tiger ng parkeng ito nitong nakalipas na 11 taon. Ayon sa mga namamahala ng parke, ang white tiger ay mutational variety ng Bengal Tiger, mas mahalaga at rare ito kaysa sa mga karaniwang tiger. Sa kasalukuyan, mahigit 200 white tiger lamang ang makikita sa buong daigdig.
Salin: Andrea
1 2 3 4