|
||||||||
|
||
Isinilang si Liu noong Hulyo ng taong 1983. Sa kanyang karera, nagkampiyon siya sa 36 na pandaigdigang paligsahan na kinabibilangan ng 2004 Athens Olympic Games, Super Grand Prix in Lausanne, Switrerland noong 2006, IAAF World Athletics Final sa Stuttgart, Alemanya noong 2006, World Athletics Championships sa Osaka, Hapon noong 2007. Noong 2006, binasag niya ang record sa kasaysayan ng 110 meter hurdles dahil sa kanyang 12.88 second na tagumpay.
Siya rin ang kauna-unahang Asyanong atleta na naging kampeon sa 110 meter hurdles ng Olympic Games.
Noong 2004, nagkampiyon si Liu sa Athens Olympic Games.
Noong 2006, binasag ni Liu ang record sa kasaysayan ng 110 meter hurdles dahil sa kanyang 12.88 second na tagumpay sa Super Grand Prix in Lausanne, Switrerland.
Noong 2008, hindi siya nakalahok sa Beijing Olympic Games dahil sa kapinsalaan sa kanyang right Achilles tendon. Noong 2012 London Olympic Games, hindi siya pumasok sa pinal ng 100 meter hurdles dahil sa epekto ng kapinsalaan.
Si Liu Xiang ay hindi nakalahok sa Beijing Olympic Games dahil sa kapinsalaan sa kanyang right Achilles tendon.
Hindi pumasok si Liu sa pinal ng 100 meter hurdles ng 2012 London Olympic Games dahil sa epekto ng kapinsalaan.
Bukod dito, aktibong lumahok si Liu sa mga aktibidad na pampubliko. Noong 2008, nag-abuloy siya ng 3 milyong Yuan RMB para sa gawaing panaklolo sa grabeng lindol na naganap sa Wenchuan ng lalawigang Sichuan.
Noong 2014, ikinasal siya kay Ge Tian, actress ng Tsina.
Sina Liu Xiang at Ge Tian.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |