Mula kamakalawa, dumadalaw sa Tsina si Nguyen Phu Trọng, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Communist Party ng Vietnam (CPV). Isinasagawa ng mga mass media ng Biyetnam ang positibo at komprehensibong pagbabalita tungkol dito.
Ipinalabas kamakalawa ng gabi ng Vietnam News Agency (VNA) ang mga balitang gaya ng "Nag-usap sina Pangkalahatang Kalihim Nguyen Phu Trọng ng Komite Sentral ng CPV at Pangkalahatang Kalihim Xi Jinping ng Komite Sentral ng CPC," at "Nguyen Phu Trọng at Xi Jinping, Magkasamang Dumalo sa Mapagkaibigang Pagtatagpo ng mga Kabataang Biyetnamese at Tsino." Nakasaad sa naturang balita na narating ng dalawang Pangkalahatang Kalihim ang malawakang komong palagay para sa pagpapatibay ng pagtitiwalaang pulitikal, pagpapalalim ng pagkakaibigan, pagpapasulong ng kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan sa iba't-ibang larangan, at ibayo pang pagpapasulong ng komprehensibong estratehikong partnership ng dalawang bansa.
Bukod dito, isinagawa rin ng mga pangunahing mediang Biyetnamese na gaya ng "Sai Gon Giai Phong newspaper," "Thanh Nien," "Nhan Dan" at "La Vanguardia" ang pagbabalita sa biyahe ni Nguyen Phu Trọng sa Tsina.
Salin: Li Feng