|
||||||||
|
||
MAGLALAAN ang European Union ng € 300,000 upang tustusan ang pangangailangan ng mga mamamayang apektado ng kaguluhan sa Mindanao na lumikas mula sa kanilang mga barangay.
Tatagal ang proyekto ng dalwang buwan na nakatuon sa mga pangangailangan ng mga nagdarahop na pamilya. Mabibigyan sila ng maayos na matitirhan, tubig na maiinom at malilinis na palikuran. Magkakaroon din sila ng mga kumot, banig at hygiene kits. Maglalaan din ng pyschosocial support at magbabahaginan ng mga karanasan.
Tuloy ang ayuda ng European Union sa mga pamilyang apektado ng kaguluhan sa Zamboanga noong 2014 sa pagbibigay ng 297,600 na dagdag sa € 300,000 ibinigay noong 2013 at € 250,000 noong nakalipas na taon. Umabot na sa € 850,000 ang nailaan para sa mga biktima.
Matapos ang isa't kalahating taon, mayroon pang 20,000 mga mamamayang nasa evacuation at transitional sites na naninirahan sa mahirap na kalagayan. Sa ilalim ng programa, magkakaroon sila ng pagkain, livelihood support at health services hanggang sa maibigay ng pamahalaan ang kanilang mga pangangailan.
Idinaan ang tulong sa Humanitarian Aid and Civil Protection department ng European Commission sa pamamagitan ng Small Scale Response mechanism.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |