|
||||||||
|
||
Nagsagawa kagabi sina Fang Fenghui, Puno ng Pangkalahatang Estado Mayor ng People's Liberation Army ng Tsina, at Martin Dempsey, Tagapangulo ng Joint Chiefs of Staff ng hukbong Amerikano, ng kauna-unahang videophone call.
Kapwa nila ipinahayag na ang pagbubukas ng videophone call ng panig militar ng dalawang bansa ay nagpapakita ng pagpapalalim ng pagtitiwalaan at relasyon ng dalawang panig.
Bukod dito, ipinahayag din nila na dapat pahigpitin ng panig militar ng dalawang bansa ang pagpapalagayan sa mataas na antas, at palalimin ang mga aktuwal na kooperasyon.
Tinalakay din nila ang mga isyu hinggil sa pagdalaw ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Amerika sa darating na Setyembre.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |