Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Filipino Martial Arts Seminar/Workshop, idinaos sa Beijing

(GMT+08:00) 2015-04-13 16:15:14       CRI

Bilang bahagi ng Ika-40 anibersaryo ng pagkakatatag ng Relasyong Sino-Filipino, isang Filipino Martial Arts (FMA) Seminar/Workshop ang idinaos kahapon sa Tuan Jie Hu Park, Beijing.

Si Lampel Joy Solis

Sa pangunguna ng Arnis China, isang Pilipinong Guro na si Lampel Joy Solis at suporta ng Embahada ng Pilipinas sa Beijing, ibinahagi ni Rhio M. Zablan, Tagapagtatag at Punong Guro ng Arnis China ang FMA sa mga kaibigang Tsino't iba pang dayuhan na lumahok sa nasabing aktibidad.

Si Ivan Frank Olea

Sa kanyang pambungad na talumpati, sinabi ni Ivan Frank Olea, First Secretary at Consul ng Embahadang Pilipino sa Beijing, mahigit libong taon na ang kasaysayan ng relasyon ng Tsina't Pilipinas.

Aniya pa, marami ang mabuting impluwensya ng Tsina sa pamumuhay at tradisyon ng mga Pilipino.

Sa pamamagitan aniya ng workshop na ito, maipapakita ng mga Pilipino ang pasasalamat sa mga Tsino.

Si Rhio M. Zablan

Ayon naman kay Rhio M. Zablan, lalo pang mapapalakas ng FMA ang bigkis ng pagkakaunawaan at pagkakaibigan sa pagitan ng mga Pilipino't Tsino.

Aniya, ang FMA ay ang Pambansang Laro ng Pilipinas at itinuturing na pinakamahalagang pamanang kultural ng Pilipinas sa mundo, kaya sa pamamagitan ng pagtuturo nito sa mga kaibigang Tsino, mas lalalim ang pagkakaunawa ng mga Tsino sa kultura at tradisyon ng Pilipinas, at gayon din ang mga Pilipino sa kultura at paniniwala ng mga Tsino.

Ang mga kalahok sa nasabing aktibidad ay mula sa mga gym, paaralan, pribadong kompanya, at iba pang sirkulo ng lipunan ng Tsina.

Ang FMA ay kilala rin sa tawag na Arnis/Eskrima/Kali.

/wakas/andrea//

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>