|
||||||||
|
||
Kinatagpo kahapon ni Punong Ministro Lee Hsien Loong ng Singapore ang dumadalaw na delegasyon ng Tsina na pinamumunuan ni Zhao Zhengyong, Puno ng Partidong Komunista ng Tsina (CPC) sa Shaanxi, lalawigan sa kanluran ng Tsina.
Sinabi ni Lee na sa kasalukuyan, mabilis na umuunlad ang relasyon ng Tsina at Singapore at mahigpit din ang pagpapalitan ng mga naghaharing partido ng dalawang bansa. Umaasa aniya siyang masasamantala ng dalawang bansa ang ika-25 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko na natatapat sa taong ito para maingat sa bagong antas ang relasyong ito.
Idinagdag pa ni Lee na nakahanda ang Singapore na pasulungin ang pakikipagtutulungan sa Shaanxi sa proseso ng magkasamang pagtatatag ng Silk Road Economic Belt at 21st Century Maritime Silk Road. Ang Shaanxi ay matatagpuan sa kahabaan ng Silk Road Economic Belt.
Salin: Jade
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |