Ipinahayag kahapon sa Washington D.C. ni Samuel Locklear, Commander in Chief ng Pacific Fleet ng Amerika, na dapat patuloy na isagawa ng kanyang bansa ang konstruktibong pagpapalagayan sa panig Tsino.
Sinabi pa niya na kailangan ng dalawang panig ang pagsasagawa ng diyalogo sa mga larangang pinaghihidwaan ng dalawang panig para kontrolin ang kanilang nagkakaibang posisyon sa pamamagitan ng sustenable at aktuwal na diyalogo.
Noong taong 2014, isinagawa ng panig militar ng Tsina at Amerika ang mahigit 50 beses na bilateral na pagpapalagayan, sinabi niyang ang mga ito ay nakatulong sa pagpapahupa ng nakatagong panganib.
Bukod dito, sinabi niyang dapat mas malalimang malaman ng Amerika ang hangarin ng panig Tsino para mabawasan ang pagganap ng komprontasyon at maling konklusyon sa hinaharap.