Ayon sa pahayag na inilabas kahapon ng United Nations (UN) Multidimensional Integrated Stabilization Mission in Mali (MINUSMA), inatake ng mga di-pa nakikilalang tauhan ang isang grupo nito noong gabi ng ika-17 ng buwang ito, sa Gao, sa dakong Hilaga ng Mali, habang naghahatid ang naturang grupo ng mga saligang materyal para sa MINUSMA.
Ang naturang pag-atake ay nagresulta sa pagkamatay ng dalawang sibilyang tsuper mula sa Mali. Bukod dito, sinunog ang mga nasabing materyal at nasugatan din ang isang staff ng MINUSMA.
Matinding kinondena ng MINUSMA ang naturang insidente at ipinatalastas nito na gagamitin ang lahat ng mga kinakailangang hakbangin para maaresto ang mga may kagagawan at iharap sila sa batas.