Sinabi kahapon ni Rupert Colville, Tagapagsalita ng Office of the United Nations High Commissioner for Human Rights, na mula noong ika-26 ng nagdaang Marso hanggang ika-22 ng buwang ito, namatay sa armadong sagupaan sa Yemen ang di-kukulangin sa 551 sibilyan na kinabibilangan ng 31 babae at 115 bata. Bukod dito, 1185 sibilyan naman ang nasugatan.
Ayon naman sa World Health Organization, nawasak sa armadong sagupaan sa Yemen ang 23 ospital, at kinakaharap ng mga nanatiling bukas na ospital ang grabeng kakulangan sa gamot.
Salin: Liu Kai