Nagkomento kahapon si Tagapagsalita Geng Yansheng ng Ministri ng Tanggulang Bansa ng Tsina sa kooperasyong militar sa pagitan ng Amerika at Hapon at ng Amerika at Pilipinas.
Kaugnay ng bagong US-Japan Defense Cooperation Guidelines, sinabi ni Geng na dapat limitahan ng Amerika at Hapon ang kanilang alyansa sa bilateral na aspekto, at hindi dapat ito makapinsala sa kapakanan ng ika-3 panig. Dagdag pa ni Geng, ang alyansang militar ay taliwas sa agos ng kasalukuyang panahon na nagtatampok sa kapayapaan, kaunlaran, at kooperasyon.
Kaugnay naman ng ginagawang Balikatan Exercise ng Amerika at Pilipinas, sinabi ni Geng na ang aksyong ito ay naglalayon ding patatagin ang alyansang militar ng dalawang bansang ito, at ipakita ang kanilang sandatahang puwersa. Ito aniya ay magdudulot ng tensyon at hindi makakabuti sa kapayapaan at katatagan ng rehiyong ito.
Salin: Liu Kai