Sa pulong na idinaos kamakailan sa Beijing hinggil sa integrasyon ng kalunsuran at kanayunan ng Tsina, binigyang-diin ni Pangulong Xi Jinping ang tungkol sa gawaing ito.
Sinabi ni Xi na ang pagpapasulong sa integrasyon ng kalunsuran at kanayunan ay kasalukuyang pangunahing tungkulin ng Tsina, at mahalagang bahagi ng pagsasakatuparan ng komprehensibong pag-unlad ng bansa.
Aniya, para pasulungin ang nasabing gawain, dapat kanselahin ang mga patakaran ng pagpapawalang-bahala sa kanayunan, at balansehin ang mga yamang pampublikong pupunta sa kalunsuran at kanayunan. Ito aniya ay naglalayong magbigay ng bagong lakas sa pag-unlad ng kanayunan, para igarantiya ang pantay-pantay na pakikilahok ng mga magsasaka sa reporma at pag-unlad, upang makinabang sila sa bungang dulot ng reporma at pag-unlad.
Salin: Liu Kai