Ipinatalastas kahapon ni Takehiko Nakao, Puno ng Asian Development Bank (ADB), na mula Enero ng taong 2017, pasisimulan ng ADB ang repormang pinansiyal para mapataas ang kakayahan ng pagbibigay-tulong sa mga maralitang bansang Asyano.
Sa isang news briefing ng Ika-48 Taunang Pulong ng Konseho ng ADB na idinaos nang araw ring iyon, ipinahayag ni Takehiko Nakao na pagkaraang isagawa ang repormang pinansiyal, may pag-asang aabot sa 20 bilyong dolyares ang kabuuang halaga ng utang ng ADB bawat taon. Ito aniya ay mas malaki ng 50% kumpara sa kasalukuyan.
Ayon sa mga tagapag-analisa, sa harap ng pangangailangan ng pondo sa konstruksyon ng imprastruktura ng Asya, at pagtatatag ng mga bagong organong pinansiyal na gaya ng Asian Infrastructure Investment Bank (AIIB), at BRICS Development Bank, kasalukuyang pinabibilis ng ADB ang proseso ng sariling repormang pinansiyal para mapataas ang kakayahan nito.
Salin: Li Feng