Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Xi, kinatagpo ang delegasyon ng Kuomintang ng Taiwan

(GMT+08:00) 2015-05-04 17:21:41       CRI

Kinatagpo kahapon ng umaga ni Xi Jinping, Pangulo at Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) ang dumadalaw na delegasyon ng Kuomintang na pinamumunuan ni Presidente Zhu Lilun.

Sa kanilang pagtatagpo, binigyan-diin ni Xi na ang relasyon ng magkabilang pampang ng Taiwan Straits ay nasa isang pangunahing yugto. Ani Xi, ang landas na tatahakin ay isang mahalagang isyu para sa lahat ng partido at sirkulo ng dalawang panig. Ito aniya ay may kinalaman sa kinabukasan ng nasyon at bansa, at kapakanan at interes ng ilang bilyong mamamayan. Kaya, kailangang mataimtim na pag-isipan ang isyung ito, dagdag ni Xi.

Bukod dito, sinabi pa ni Xi na hindi isang madaling gawain ang pagpapanatili ng kasalukuyang kapayapaan at katatagan ng magkabilang pampang. Dapat buong tatag aniyang tumahak ang mga may kinalamang panig sa landas tungo sa mapayapang kaunlaran, magsikap para mapasulong ang kooperasyon at pagpapalitan sa lahat ng aspekto para makinabang nang lubos ang mga mamamayan ng dalawang panig.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>