Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

(Special Report) Paghahanda, kailangan upang makaligtas sa trahedya

(GMT+08:00) 2015-05-04 18:02:21       CRI

PAGHAHANDA, KAILANGAN.  Ito ang binigyang-diin ni Dr. Renato U. Solidum,(gitna) director ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology bilang tugon sa mga paraan upang maibsan ang epekto ng malakas na lindol sa bansa.  Ginawa niya ang pahayag sa "Tapatan sa Aristocrat" kaninang umaga.  Kasama niyang nagbahagi ng mga pananaw sina Atty. Johnson V. Domingo ng Department of Public Works and Highways, dulong kaliwa at Dr. Carlos Primero Gundran ng UP-PGH (kanan)  Dumalo rin sina Dr. Marilyn Go ng Department of health at Dr. Anna Claire Reyta at Roderick Salve ng Philippine Red Cross.  (Melo M. Acuna)

HINDI na kailangan pang yanigin ang Metro Manila ng lindol na 7.8 magnitude mula sa West Valley fault upang mapinsala at mapahamak ang mga mamamayan lalo pa't maaaring magmula ang lindol sa ibang mga earthquake faults. Ito ang sinabi ni Dr. Renato U. Solidum, Director ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology sa idinaos na "Tapatan sa Aristocrat" kaninang umaga.

Kung may nababahala sa mga medium at high-rise condominiums sa Metro Manila, mas nararapat bigyang-pansin ang mga apartment at iba pang tahanan sa residential districts ng Maynila. Na sa mga tahanang ito ang hindi sumusunod sa itinatadhana ng National Building Code of the Philippines.

Sa panig ni Atty. Johnson V. Domingo, acting Executive Director ng National Building Code Development Office, naglunsad na sila ng pambansang kampanya para sa mga local building officials sa pangangailangan ng mahigpit na pagtupad sa batas.

Kailangan ang "engineering interventions" upang matiyak na ligtas ang lahat sa mga gusaling itinatayo, dagdag pa ni Atty. Domingo.

Ang kanyang pinatutungkulan ay ang mga gusaling itinayo sa mga reclaimed areas hindi lamang sa Metro Manila kungdi sa mga tinaguriang growth areas sa buong bansa.

Maraming may mga tahanan ang 'di nakababatid ng pagkakaiba ng standard materials sa mga nabibiling sub-standard materials sa pamilihan.

May mga pag-aaral na nagsasabing gumagalaw ang West Valley fault sa pag-itan ng 400 hanggang 600 taon. Ang pinakahuling paggalaw nito ay noong 1658.

Ipinaliwanag ni Dr. Carlos Primero Gundran na mayroon silang Disaster Management Teams sa University of the Philippines – Philippine General Hospital na tutugon sa mga pangangailangan ng mga sugatan dahil sa lindol.

Ipinaliwanag niyang ligtas ang mga gusaling itinayo ng mga Americano noong mga nakalipas na dekada lalo pa't matitibay ang mga ito at hindi naapektuhan ng mga nakalipas na lindol.

Sa oras na mangailangan ng mga manggagamot ang Metro Manila, mayroong mga assignment ang mga manggagamot at iba pang dalubhasa mula sa Hilaga, Gitna at Cagayan Valley Regions para sa northern quadrant. Kasama rin sa aalalay ang mga dalubhasa mula sa Bicol at mula sa Gitnang Kabisayaan para naman sa mga nasa Southern quadrant.

Gumawa na rin sila ng mga pagsasanay para samga tauhan upang madaliang makatugon.

Ayon kina Dr. Anna Claire Reyta at Roderick Salve ng Philippine Red Cross, kalat na ang kanilang relief goods sa iba't ibang pook upang madaliang maipamahagi sa oras ng pangangailangan. Mayroon ding mga kinilalang blood donors mula sa mga komunidad na handang tumulong. Gayunpaman, may pagsusuring gagawin ang Philippine Red Cross upang matiyak kung ligtas ang mga dugong isasalin sa mga mangangailangan.

Handa rin ang Philippine Red Cross na magtayo ng kanilang field hospitals na may sapat na gamot at kamagitan. May pagkain ding nakalaan sa mga tauhan na tatagal ng tatlong buwan.

Sa balitang isinara ang mga paliparan sa Nepal dahil sa pinsalang dulot ng lindol, sinabi ni Dr. Solidum na may paghahanda ang pamahalaan sa paggamit ng Clark Air Base sa Pampanga at maging sa Subic International Airport sa Zambales Province.

Sa kaligtasan ng mga pagawaing-bayan, sinabi ni Atty. Domingo na nagkaroon na ng retrofitting ang mga poste ng tulay sa mga overpasses, fly-over at maging sa mga paliparan.

Ang lindol na may 7.8 magnitude na tatama sa Metro Manila ay maaaring ikamatay ng 31,000 residente at pagkakasugat ng mula 110,000 hanggang 120,000 katao.

Nagkaisa ang lahat ng panauhin na walang hihigit pa sa paghahanda upang maibsan ang anumang trahedya.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>