Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Bagong Comelec Chairman, hinirang ni Pangulong Aquino

(GMT+08:00) 2015-05-04 18:05:53       CRI

IBINALITA ng Malacanang ang pagkakahirang ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III kay Atty. Andres Bautista bilang chairman ng Commission on Elections.

Si Bautista ang kapalit ni Chairman Sixto Brillantes na nagretiro na noong ikalawang araw ng Pebrero.

Bago nahirang na Comelec Chair, naglingkod si Atty. Bautista bilang Chairman ng Presidential Commission on Good Government.

Dati rin siyang dekano ng Far Eastern University Institute of Law at naitatag niya ang Master of Business Administration-Juris Doctor dual degree program ng De La Salle Graduate School of Business at FEU.

Nagtapos siya bilang class valedictorian ng Ateneo Law School noong 1990 at nagkamit ng Master of Laws mula sa Harvard Law School noong 1993.

Isa siya sa pinagpiliang maging chief justice ng Korte Suprema.

Nahirang din sina Atty. Rowena Amelia V. Guanzon at Sharrif M. Abas bilang Comelec commissioenrs bilang kapalit nina Commissioner Lucenito Tagle at Elias Yusoph.

Magtatagal ang kanilang panunungkulan hanggang sa ikalawang araw ng Pebrero, 2022. Nilagdaan ang kanilang papeles noong nakalipas na Martes, ika-28 ng Abril.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>