Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mga Filipino mula sa Libya at Syria, pauwi na

(GMT+08:00) 2015-05-04 18:06:42       CRI

AABOT sa 79 na mga Filipino mula sa Libya at Syria ang nakatakdang dumating sa Pilipinas ngayong linggo.

May 16 na Filipino mula sa Syria ang nakinabang sa Mandatory Repatriation Program at darating bukas na 11:15 A.M. sa Ninoy Aquino International Airport sakay ng Gulf Air flight GF 154.

Ang 16 na darating ay naglakbay mula sa Damascus patungong Beirut at tutulungan ng mga tauhan ng Embahada ng Pilipinas sa Beirut sa paglalakbay patungo sa Masna'a border ng Lebanon. Magkakaroon sila ng departure briefing at medical check-up bago maglakbay patungong Maynila.

Aabot na sa 5,642 ang total na bilang ng mga Filipino mula sa Syria.

May 63 mga Filipino na may mga dependents ang nailikas ng Embahada ng Pilipinas sa Tripoli at nadala sa Tunis kahapon. Dalawang grupo sila pag-uwi sa Pilipinas.

May 35 ang darating bukas ng ika-apat ng hapon sakay ng Emirates Air Flight EK 332 samantalang may 23 ang darating ika-apat din ng hapon sakay ng Qatar Airways 932. Limang iba pa ang inaasahang makakauwi ngayong linggong ito.

Aabot na sa 4,830 ang mga Filipinong nakauwi mula sa Libya.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>