Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pilipinas, maraming paglabag sa DOC--tagapagsalitang Tsino

(GMT+08:00) 2015-05-05 15:25:22       CRI

Si Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina

Kaugnay ng sinabi ng Kagawaran ng Ugnayang Panlabas ng Pilipinas na ang konstruksyon ng Pilipinas sa mga isla ng South China Sea ay ginawa bago ang paglagda sa Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea (DOC) at ang konstruksyon naman ng Tsina ay ginawa pagkaraan ng paglagda sa deklarasyong ito, sinabi kahapon ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na walang katwiran ang naturang pananalita ng Pilipinas, at hindi ito nangangahulugang hindi lumabag ang Pilipinas sa DOC.

Ipinaliwanag ni Hua na ang ilegal na pagsakop ng Pilipinas sa ilang isla ng Tsina sa South China Sea ay pinanggagalingan ng pagtatalo ng dalawang bansa. Dagdag niya, ang mga aksyon ng panig Pilipino na gaya ng pagtanggi sa pag-aalis ng bapor sa Ren'ai Reef (Ayungin Shoal sa Pilipinas), pagpapanumbalik ng konstruksyon sa Zhongye Island (Pagasa Island sa Pilipinas), at unilateral na pagharap ng arbitration case hinggil sa pagtatalo sa South China Sea ay pawang paglabag sa DOC.

Sinabi rin ni Hua na hindi kinikilala ng Tsina ang di-umano'y kasalukuyang kalagayan ng ilegal na pagsakop ng Pilipinas sa mga isla sa South China Sea, at tinututulan din ang konstruksyon ng Pilipinas sa mga islang ito. Inulit niyang hinihiling ng Tsina sa Pilipinas na agarang itigil ang konstruksyon, at alisin ang lahat ng mga tauhan at pasilidad sa mga isla ng Tsina.

Salin: Liu Kai

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>