|
||||||||
|
||
Noong ika-2 ng Mayo, sa MGM Grand Hotel ng Las Vegas, sa pamamagitan ng unanimous decision, tinalo ni Floyd Mayweather si Manny Pacquiao at naging Welterweight Champion ng the World Boxing Organization (WBO), World Boxing Association (WBA) at World Boxing Council (WBC). Iniuwi rin niya ang halos 120 milyong dolyares na premyo.
Nauna rito, sa listahan ng mga pinakamayamang manlalaro na inilabas ng Forbes Magazine, si Mayweather ay walang dudang No. 1 sa buong daigdig. Umabot sa 105 milyong dolyares ang kabuuang kita niya sa taong 2014.
Maliban sa boxing, ang pinakamalaking hobby ni Mayweather ay pagbili ng iba't ibang bagay. Tapos, ipo-post ang litrato ng kanyang maluhong pamumuhay sa facebook.
Ang pagbili ng isang racing car ay pangarap ng mga lalaki, pero, si Mayweather ay nakakaranas ng mental confusion dahil hindi niya alam aling kotse ang dapat niyang imaneho.
Para sa kanya, ang iba't ibang limited edition na kotse ay karaniwan na karaniwan.
Hindi lang mga racing car ang gustong ipakita ni Mayweather sa mga fans.
Isang araw, sinabi niya sa facebook na "gusto kong mag-shoping sa ibang estado kasama ng aking G4"… Yes, sakay ng kanyang pribadong eroplano.
Bukod sa eroplano, si Mayweather ay isang fan ng mga maluluhong relo.
Walong Audermar Piaget, walong Rolex, dalawang Aximums, tatlong Frank mullers, isang Hublot Big Bang King, isang Rainbow Tourbillon, isang Piaget at Galaxy. Ang lahat ng mga ito ay nagkakahalaga ng 6.4 milyong dolyares. At, ang mga ito ay parte lamang ng kanyang koleksyon.
Bukod sa pera, pinahahalagahan din ng boxing champpion ang kanyang anak. Noong ika-15 kaarawan ng kanyang anak na lalaki, espesyal na inorder ni Mayweather ang isang golf car mula sa Bentley Motors para sa kanya.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |