Sa kanyang pakikipagtagpo kahapon ng hapon sa Beijing kay Hamid, Tagapangulo ng Komisyon ng Pampublikong Komunikasyon ng Malaysia, ipinahayag ni Premyer Li Keqiang ng Tsina na sa kasalukuyan, mainam ang pag-unlad ng relasyong Sino-Malay, at mabunga ang kooperasyon ng dalawang bansa. Aniya, nakahanda ang panig Tsino na ibayo pang palakasin ang pakikipagkoordina at pakikipagtulungan sa Malaysia, para magkasamang mapangalagaan ang kapayapaan at katatagan ng rehiyong ito.
Ipinahayag naman ni Hamid na mahaba ang kasaysayan ng pagkakaibigan ng Malaysia at Tsina. Nakahanda aniya ang kanyang bansa na ibayo pang palakasin ang pakikipagkooperasyong may mutuwal na kapakinabangan sa Tsina para walang humpay na mapasulong ang bilateral na relasyon ng dalawang bansa.
Salin: Li Feng