Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Ika-48 Taunang Pulong ng ADB, idinaos sa Baku

(GMT+08:00) 2015-05-05 16:50:49       CRI

Idinaos kahapon, sa Baku, kabisera ng Azerbaijan, ang Ika-48 Taunang Pulong ng Konseho ng Asian Development B ank (ADB). Sa pulong, tinalakay ang mga temang kinabibilangan ng kalagayang pangkabuhayan sa rehiyong Asya-Pasipiko, pagbabago ng kabuhayan ng mga bansang Asyano, pagharap sa pagbabago ng presyo ng mga malaking paninda, pagpapalalim ng kooperasyon sa pagitan ng ADB at middle - income countries, pagpapalakas ng kakayahan ng ADB at iba pa.

Sinabi naman ni Takehiko Nakao, Puno ng ADB, na magsisikap ang ADB para ito'y maging "mas malakas, mas mabuti at mas mabilis ". Aniya pa, walang humpay din itong magsisikap rin para mapawi ang kahirapan sa rehiyong Asya-Pasipiko at pasulungin ang sustenableng pag-unlad ng rehiyon.

Sa kanyang talumpati, ipinahayag ni Lou Jiwei, Ministro ng Pinansya ng Tsina, na sa harap ng mahinang kalagayang panlabas at mahigpit na hamon, dapat isaayos ng iba't ibang bansa ng Asya ang estratehiya ng pag-unlad, baguhin ang paraan ng pag-unlad, at palawakin ang espasyo ng pag-unlad.

Salin:Sarah

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>