Ayon sa ulat mula sa Ministring Panlabas ng Malaysia, sinimulan kahapon ni Punong Ministro Najib Tun Razak ng Malaysia ang dalawang araw na pormal na pagdalaw sa Singapore. Ngayong araw, makikipagtagpo si PM Najib kay Lee Hsien Loong, Punong Ministro ng Singapore, at lalahok din siya sa Ika-6 na Di-pormal na Pulong ng mga lider ng Singapore at Malaysia.
Ayon sa plano, patuloy na tatalakayin at isasakatuparan ang komong palagay na narating ng dalawang panig noong nakaraang taon. Tatalakayin din sa pulong ang iba pang isyu hinggil sa bilateral na kooperasyon at iba pa.
Salin:Sarah