|
||||||||
|
||
Sa Beijing, Tsina—Nakipagtagpo dito ngayong araw si Wang Yi, Ministrong Panlabas ng Tsina, kay Federica Mogherini, High Representative for Foreign Affairs and Security Policy ng European Union (EU).
Ipinahayag ni Wang na ngayong araw ang ika-40 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina at EU. Dapat samantalahin ng kapuwa panig ang pagkakataon ng relasyong Sino-Europeo, at masipag na ipatupad ang target ng pagtatatag ng partnership ng Tsina at Europa sa apat na aspektong kinabibilangan ng kapayapaan, paglago, reporma, at sibilisasyon. Dapat din aniyang pasulungin ang relasyong Sino-Europeo sa bagong antas, upang makapaghatid ng benebisyo sa kanilang mga mamamayan, at gumawa ng ambag para sa kapayapaan, katatagan, at kaunlaran ng daigdig.
Sinabi naman ni Mogherini na malawak ang komong interes ng Europa at Tsina, at naging estratehiko ang kooperasyon nila. Dagdag pa niya, nakahanda ang panig Europeo na palalimin ang pagkakaibigan at kooperasyon nila ng Tsina, at likhain ang bagong kinabukasan ng relasyong Sino-Europeo, batay sa mga natamong bunga ng pag-unlad nitong nakalipas na 40 taon.
Salin: Vera
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |