Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Bangsamoro Basic Law, nararapat umayon sa Saligang Batas

(GMT+08:00) 2015-05-06 17:44:53       CRI

NANINIWALA ang mga kasapi ng Friends of Peace sa pamumuno ni Cotabato Archbishop Orlando B. Cardinal Quevedo at dating Comelec Chair at Constitutional Commission Member Christian Monsod na magiging katanggap-tanggap sa lahat ang panukalang Bangsamoro Basic Law na sumailalim ng pagsusurin ng National Peace Council.

Sa isang pagpupulong sa pagitan ng Foreign Correspondents Association of the Philippines at Friends of Peace sa Asian Institute of Management kanina, sinabi ni Cardinal Quevedo na napapaloob sa ulat na isinumite kahapon kay Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III ang mga rekomendasyon ng National Peace Council sa mga probisyong ina-akalang magdudulot ng ibayong suliranin.

Ang mahahalagang punto ay ang principles of subsidiarity, principles of solidarity at devolution of powers. Sa anumang nilalaman ng Bangsamoro Basic Law, kailangan itong tumalima sa nilalaman ng Saligang Batas na Pilipinas.

Sa panig ni Atty. Christian Monsod, sinabi niyang ang Bangsamoro Basic Law ang isang pagtatangkang mabigyang laman ang dalawang mahahalagang probisyon ng Saligang Batas, partikular ang karatungang panglipunan at pagpapaunlad ng mga mamamayan o human development.

Ipinaliwanag pa ni Atty. Monsod na ito ang pinakapuso ng Saligang Batas at ang pinakamalubhang paglabag sa nilalaman nito ay nagawa sa mga Bangsamoro.

Matagal bago nabuo ang Bangsamoro Basic Bill sapagakt tumagal ito ng 17 taon. Ani Atty. Monsod, isinumite ang panukalang batas sa Kongreso at Senado noong Setyembre 2014 kaya't sana'y sinuri na kaagad ng mga nangangamba sa nilalaman nito.

Ang Bangsamoro Basic Law ay pagpapatuloy lamang ng peace process at ang mga mambabatas ay nagiging bahagi ng peace-building process sa Muslim Mindanao.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>