Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Walang anumang banta sa Metro Manila

(GMT+08:00) 2015-05-06 17:47:34       CRI

TINIYAK ng Armed Forces of the Philippines sa mga mamamayan na walang anumang peligro mula sa mga terorista sa Metro Manila kasunod ng serye ng mga text messages hinggil sa diumano'y balak na magpasabog ng mga bomba sa shopping malls.

Sinabi ni Brig. General Joselito Kakilala na patuloy silang tutulong sa mga alagad ng batas sa pagsisiyasat. Babantayan at aalamin ang detalyes kung saan nagmula ang text message na kumalat sa madla.

Isa umanong opisyal ng SM Malls ang nagsabing nagbabalak ang Abu Sayyaf na mambomba sa SM North sa Quezon City at sa Southmall sa Las Pinas City.

Humihiling umano ang Abu Sayyaf ng US$ 15 milyon at binigyan ng palugit na isang linggo kaya't nasaklaw na sila ng high alert. Kasama sa mensahe ang babala na huwag ng magtungo sa SM North Edsa at sa Southmall sa loob ng isang linggo.

Sa isang statement na inilabas sa Facebook, sinabi ng SM Supermalls na wala silang anumang ikinalat na text message. Kasabay ng pahayag na ito ang kahilingan sa mga autoridad naalamin ang pinagmulan ng balita.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>