![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
Si Wu Jianping ay isang estudyante na nakatakdang magtapos mula sa isang pamantasan sa probinsyang Henan ng Tsina. Katulad ng karamihan sa mga senior student, siya ngayon ay nasa on-the-job training (OJT) sa isang kompanya sa Beijing. Pero, hindi katulad ng iba pang mga estudyante, wala siyang dalawang bisig.
Tama po ang nabasa niyo, wala siyang mga bisig. Ang tanong, paano siya nakakasuloat o namamagamit ng kompyuter? Sagot: sa pamamagitan ng bibig at mga paa. Sumulat siya sa pamamagitan ng pagkagat sa bolpen o lapis, pero, kahit ganito, maganda ang kaniyang "mouthwriting." Mahusay din siya sa paggamit ng computer sa pamamagitan ng paa.
Si Wu ay naging kilala noong isang taon, dahil sa isang TV show hinggil sa paghahanapbuhay. Dahil dito, nakapag-OST siya sa isang kompanya, at binigyan din siya ng allowrance na nagkakahalaga ng 5,000 yuan RMB (mahigit P35,800) bawat buwan.
Ilang araw ang nakalipas, namatay ang ina ni Wu. Dalawampu't limang (25) taong gulang lamang, si Wu, pero marami na ang mganiyang putting buhok.
Kahit naggawa niya ang karamihan sa mga pang-araw-araw na dapat-gawin, sa ilang kondisyon, kinakailangan pa rin niya ang tulong ng kanyang girlfriend. Halimbawa, pagtatali ng kurbata. Mahigit isang taon na sapul nang magsimula ang kanilang relasyon, at nakahanda ang kanyang girlfriend na alagaan si Wu.
Sa kasalukuyan, si Wu ay isang modelo: sa pamamagitan ng kaniyang kuwento, maraming kabataan sa Tsina ang nabibigyan niya ang inspirasyon.
salin:Wle
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |