Ipinahayag kahapon sa Washington DC ni Sean O'Keefe, dating Puno ng National Aeronautics and Space Administration (NASA) ng Amerika, na optimistiko siya sa prospek ng kooperasyon ng Amerika at Tsina sa kalawakan. Dagdag niya, dapat patuloy na magsikap ang dalawang bansa, para mapawi ang pagkabahala sa intensyon at motibo ng isa't isa sa larangan ng kalawakan.
Sinabi rin ni O'Keefe na kumpara sa kooperasyon ng Amerika sa Rusya, Hapon, Kanada, at iba pang bansa sa larangan ng kalawakan, kakaunti lang ang kooperasyon ng Amerika at Tsina sa naturang larangan. Sa kasalukuyan aniya, pinabubuti ng Amerika kalagayang ito.
Salin: Liu Kai