Kahapon, sa pamumuno ni Lt. Gen Gregorio Pio Catapang, Chief of Staff ng Hukbong Sandatahan ng Pilipinas(AFP), dumating ng Thitu Island ang maraming mamamahayag sa isang island sa Nansha Islands ng Tsina, na ilegal na sinakop ng Pilipinas.
Nauna rito, maraming beses na maliwanag na ipinahayag ng panig Tsino na ayon sa batas, hindi kinikilala ng Tsina ang umano'y "kasalukuyang kalagayan" ng ilegal na pagsakop ng Pilipinas sa Nansha Islands. Tinututulan rin ng Tsina ang mga ilegal na aktibidad na isinagawa ng Pilipinas sa Nansha Islands. Inulit ng Tsina na agarang itigil ng Pilipinas ang mga ilegal na akdibidad nito at iurong ang lahat ng tauhan at pasilidad mula sa Nansha Islands.
Salin:Sarah