Idinaos ngayong araw sa Shenzhen, Tsina, ang isang dialogue meeting hinggil sa Silk Road Economic Belt at 21st-Century Maritime Silk Road o "One Belt One Road" Initiative. Lumahok sa pulong ang mga opisyal at tauhan mula sa sirkulong akademiko at Non-Governmental Organizations ng Tsina at mga bansang Timog-silangang Asyano.
Ipinahayag ng mga kalahok na ang "One Belt One Road" Initiative ng Tsina ay magdudulot ng mga bagong pagkakataon sa mga bansang Timog-silangang Asyano. Tinalakay nilang, sa ilalim ng balangkas na ito, malalaman kung papaano palalalimin ang estratehikong pagtitiwalaan at pangkapitbansaang pagkakaibigan ng Tsina at mga bansang Timog-silangang Asyano, at kung papaano pasusulungin ang kanilang pagpapalitan at pagtutulungan.
Salin: Liu Kai