Idinaos kahapon sa Lao Cai, Biyetnam, ang ika-2 pulong sa mataas na lebel ng mga tropa ng Tsina at Biyetnam hinggil sa isyung panghanggahan. Lumahok sa pulong na ito si Chang Wanquan, Ministro ng Tanggulang Bansa ng Tsina, at ang kanyang counterpart na Biyetnames na si Phung Quang Thanh. Ito ang kauna-unahang paglahok ng mga ministro ng tanggulang bansa sa pulong na ito.
Tinalakay ng dalawang panig ang kooperasyon ng mga tropang Tsino at Biyetnames sa paglaban sa pagpupuslit, drug trafficking, human trafficking, at iba pa. Nagpalitan din sila ng palagay hinggil sa isyung panghanggahan ng dalawang bansa, at isyu ng South China Sea.
Salin: Liu Kai