![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
Isang aktibidad ang idinaos kaninang umaga sa Beijing upang tawagin ang pansin ng lipunang Tsino hinggil sa mga batang may sakit na autism.
Sa naturang aktibidad, itinanghal ng isang batang may autism ang isang programa para ipakita ang kanyang paggaling.
Sinabi ni Wu Jinxiu, ina ng naturang bata, na gusto ng kanyang anak ang palabas ng Kuaiban, isang tradisyonal na uri ng talk show ng Tsina, kaya, ipinadala niya ang anak sa mga training class ng Kuaiban.
Dagdag pa niya, sa pamamagitan ng pag-aaral, unti-unting napagtatagumpayan ng kanyang anak ang sakit.
Sinabi ng naturang bata na gusto niyang maging isang aktor ng Kuaiban sa hinaharap.
Ayon sa pagtaya ng World Health Organization (WHO), ang Tsina ay mayroong halos 600 libo hanggang 1.8 milyong batang may autism.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |