Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Special Report: Pagkakamali ng prayoridad, makasasama sa Pagsasaka

(GMT+08:00) 2015-05-18 17:57:47       CRI

HINDI mauunawaan ng mga nasa sektor ng pagsasaka kung bakit nabawasan pa ng halos P 3 bilyon ang nakalaang salapi ng pamahalaan ngayong 2015 samantalang dinagdagan ng P 5.8 bilyon ang budget ng Department of Interior and Local Government at maging ang Department of Budget and Management.

PONDO NG PAGSASAKA, BINAWASAN, PONDO NG DILG, DINAGDAGAN.  Sinabi ni Sonny Africa, (may mikropono) Executive Director ng IBON Foundation na hindi mauunawaan ng mga magsasaka kung bakit binawasan ang kanilang pondo samantalang nadagdagan ang pondo ng Departments of Interior and Local Government at Budget and Management.  Makikita rin sa larawan si Henry Lim Bon Liong ng SL AgriTech.  (Melo M. Acuna)

Ito ang sinabi ni G. Sonny Africa, ang executive director ng IBON Foundation sa katatapos na "Tapatan sa Aristocrat" kaninang umaga. Kahit pa umano may sapat na kakayahan ang magsasaka at teknolohiya ang sektor, hindi ito makaaangat sa pagkakaroon ng mumunting halaga.

KUNG MAY ANGKOP NA SUPORATA LAMANG ANG PAMAHALAAN.  Ito ang hinanakit ng mga magsasakang umaasang tutulungan ng pamahalaan.  Ani dating Anakpawis PartyList Congressman Rafael Mariano (gitna) sa Pilipinas lamang sinisingil ang mga magsasaka ng bayad sa patubig.  Kung may access sa pautang at ibang basic services, tiyak na makaangat ang milyon-milyong mga magsasaka.  Nasa gawing kanan si Dr. Frisco Malabanan ng SL Agritech. (Melo M. Acuna)

Ipinaliwanag naman ni dating Party List Congressman Rafael Mariano ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas, na sa Pilipinas lamang sinisingil ang mga magsasaka ng taripa sa patubig samantalang sa ibang bansa ay walang tinatanggap na anuman. Maliwanag umano sa kanilang pagsusuri na tatlo sa bawat apat na magsasaka ang walang kakayahang magbungkal ang lupa sapagkat nakikitanim lamang sila sa mga may-ari nito.

Ayon pa sa dating mambabatas, wala rin umanong access sa pautang kaya't napupunta ang mga magsasaka sa mga komprador na napakababang mamili ng palay sa bawat anihan. Natutungo sila sa mga komprador na may kalayaan at karapatang magpababa ng presyo ng mga produktong ani ng mga magsasaka.

Para kay Dr. Frisco Malabanan, isang siyentipiko na dating opisyal ng Philippine Rice Research Institute at ngayo'y isa sa mga opisyal ng SL Agritech, makatutulong ang pagkakaroon ng hybrid variety ng palay sapagkat tiyak na lalago ang kita ng mga magsasaka ng palay.

Inamin ni Dr. Malabanan na lalaki ng bahagya ang production cost subalit mababawi naman ito sa oras lumaki ang ani ng mga magsasaka. Mula sa dating P 35,000 sa bawat ektarya, aabot ito ng P 40 hanggang P45,000 subalit sulit din naman pagsapit ng anihan.

Ipinaliwanag naman ni NFA Public Affairs Director Angel Imperial, Jr. na may sapat na bigas para sa susunod na 20 araw. Mayroong 12.8 milyong bag ng bigas sa iba't ibang antas ng lipunan tulad ng nasa National Food Authority, sa mga pribadong kumpanya at maging sa iba't ibang bodega at mga tahanan. Kasama rin sa kanilang pagtataya ang bilang ng bigas na nasa tahanan sapagkat kasama ito sa pamantayan ng buong daigdig.

Para kay G. Henry Lim Bon Liong, nagsimula ang "Green Revolution" noong 1961 kaya't lumaki ang ani ng mga magsasaka subalit nalimutang bigyan ng prayoridad ang pagsasaka ng mga nakalipas na pamahalaan kaya't naiwan na ang Pilipinas ng bansang Vietnam.

Idinagdag pa ni G. Lim, nagbebenta siya ng hybrid rice seeds sa Vietnam subalit Pilipinas naman ang bumibli ng bigas sa Vietnam.

Inulit ni G. Mariano na kailangan ang buong lakas na suporta mula sa pamahalaan upang umangat ang sektor na kinatatagpuan ng pinakamahihirap na nagbubukid. Hindi pa kabilang sa mga ito ang mga kabataan at iba pang kasapi ng pamilya na nagiging manggagawang-bukid na walang tinananggap na sahod.

Niliwanag din ni G. Mariano na kung magkakaroon ng panustos ang pamahalaan para sa hybrid rice at masusuportahan ng tunay na repormang agraryo at walang bayad na patubig ay tiyak na gaganda ang ani at bababa ang presyo ng bigas.

Para kay Dr. Malabanan, sa kanyang pulong na nadaluhan sa Thailand, nagkasundo ang 23 sa 29 na bansang Asiano na gagamit na ng hybrid rice upang matiyak na gaganda at sasapat ang kanilang pagkain.

Sa isyu ng organic farm products, sinabi nina Dr. Malabanan, G. Lim at G. Mariano na nararapat maging prayoridad ang pagkakaroon ng balansyadong paraan ng pagpapataba ng halaman sapagkat mayroon lamang na limitadong bilang ng mga mamimili ang nakagugusto ng organic farm products. At ang mga ito'y tanging mayayamang pamilya.

Ang mahalaga, ayon sa tatlo, ay matustusan ang pangangailangan ng mga nakararaming mamimilim tulad ng mga karaniwang Filipino. Isang problema pa ay walang opisyal na tanggapang magbibigay ng sertipiko na tunay na organic farm products ang ipinagbibili sa mga pamilihan.

Hindi madaling magkaroon ng tunay na organic farm products sapagkat kailangan ng sampung taon na hindi ginagamitan ng chemical fertilizers ang mga sakahan.

Sa patuloy na pagbaba ng lawak ng lupaing natatamnan ng palay, sinabi nina G. Lim, Africa at Mariano na sa pagkakaroon ng tunay na makabagong sistema ng pagsasaka, mula 800,000 hanggang isang milyong ektarya lamang ang kailangang matamnan at magiging matatag ang supply ng bigas sa bansa.

Nakikita na umano ang magandang bunga ng hybrid rice sa Tsina at Vietnam, ayon pa kay G. Lim.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>