|
||||||||
|
||
Ang Xinjiang Uyghur Autonomous Region ay matatagpuan sa hilagang kanluran ng Tsina. Bagama't nasa inland, maraming katubigan sa Xinjiang, at ang kagandahan ng mga ito ay kagila-gilalas.
Ang Fuhai o Burultokay County sa Altay Prefecture, Xinjiang ay may maraming lawa at ilog. Dito nanggagaling ang pinakamalaking imbak ng mga cold-water fish sa Tsina. Dito ninyo mararanasan ang kagandahan at kasaganaang dulot ng kalikasan sa sangkatauhan.
Ang Sayram Lake ay ang pinakamalaking lawa sa pinakamataas na altitude sa Xinjiang. Ang saklaw nito ay 458 kilometro kuwadrado, at ito ay nasa 2070 meters above sea level. Ito ay parang karagatan sa langit.
Matatagpuan sa Altai Mountains sa Xinjiang ang pinagmumulan ng Irtysh River. Umaagos ang ilog na ito sa Tsina, Kazakhstan, at Rusya, at sa bandang huli, pumapasok sa Arctic Ocean. Ito ang siyang tanging ilog sa Tsina na pumapasok sa Arctic Ocean.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |