|
||||||||
|
||
Sa paanyaya ni Pangulong Dilima Rousseff ng Brazil, dumating ngayong hapon si Premyer Li Keqiang ng Tsina sa Brasilia Air Base upang pasimulan ang opisyal ng pagdalaw sa Brazil.
Ipinahayag ni Li na pagkatapos niyang manungkulan bilang Premyer ng Tsina, ito ang kauna-unahang pagkakataon na dumalaw siya sa rehiyon ng Latin Amerika, at ang Brazil ay unang stop ng pagdalaw na ito.
Aniya kapuwa malaking umuunlad na bansa na mayroong mahalagang impluwensya sa daigdig ang Tsina at Brazil, at mayroong malalim na tradisyonal na pagkakaibigan ng dalawang bansa. Dagdag ni Li, nagsisikap ang kapuwa bansa para paunlarin ang kabuhayan at pabutihin ang pamumuhay ng mga mamamayan. Sa mula't mula pa'y, tinitingnan aniya ng Tsina mula sa estratehikong anggulo ang relasyon ng dalawang panig. Pinapurihan din ni Li ang bungag natamo ng Brazil. Sinabi niyang lubos na kompiyansa ang Tsina sa kinabukasan ng pag-unlad ng relasyon ng Tsina at Brazil.
Salin:Sarah
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |