Ipininid kahapon sa Punong Himpilan ng United Nations (UN) sa New York, ang ika-9 na pulong hinggil sa pagsusuri sa Treaty on the Non-Proliferation of Nuclear Weapons (NPT).
Sa 4-linggong pulong na ito, sinuri ng 190 signatoryong bansa ng NPT ang kalagayan ng pagpapatupad ng kasunduang ito. Ipinahayag din nila ang pagkatig sa pagpapasulong sa tatlong pangunahing target ng NPT na denuklearisasyon, di-pagpapalaganap ng mga sandatang nuklear, at mapayapang paggamit ng enerhiyang nuklear.
Pero, dahil sa malaking pagkakaiba sa palagay ng ilang bansa hinggil sa pagtatatag sa Gitnang Silangan ng rehiyong walang sandatang nuklear at ibang weapons of mass-destruction, walang narating na dokumento hinggil dito sa nabanggit na pulong.
Salin: Liu Kai