Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Interior Secretary Manuel Araneta Roxas II, napupusuan pa rin ni Pangulong Aquino para sa halalan

(GMT+08:00) 2015-05-25 18:09:25       CRI

NANINIWALA si Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III na si Interior Secretary Roxas pa rin ang kanyang napipisil na hahalili sa kanya sa 2016 kahit pa lumabas ang mga balitang tatakbo siya bilang pangalawang pangulo ni Senador Grace Poe.

Sa isang panayam matapos ang inspeksyon ng mga silid-aralan sa Marikina City kanina, sinabi ni Pangulong Aquino na suportado niya si Roxas sapagkat mahalaga siyang kasapi ng gabinete.

Tila iba raw ang naririnig niyang balita na bababa si Roxas upang maging running mate ni Senador Poe. Dalubhasa umano si Roxas sa maraming Gawain at isang magaling na lider ng partido kahit noon pa mang nasa oposisyon sila. May kakayahan umano si G. Roxas na magsakripisyo.

Itatanghal ng Liberal Party ang kanilang mga kandidato para sa 2016 elections matapos ang kanyang State of the Nation Address sa Hulyo. Tahimik si Pangulong Aquino sa tanong kung mas gusto niya ang Poe-Roxas o Roxas-Poe tandem.

Mananatiling nangunguna si Pangalawang Pangulong Binay sa survey depende sa paraan ng kanyang pagsagot sa mga akusasyon laban sa kanya. Ayon sa Social Weather Stations electoral survey, mayroong 36% si Binay. Kasunod si Senador Poe na mayroong 31 puntos at kasunod sina Kalihim Roxas at Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa pangatlong puesto na may 15%.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>