|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Kapag sinabing hanggahan o border ng mga bansa, posibleng pumasok sa isip ninyo ang mga sundalo o mga pulis na mahigpit na nagbabantay rito. Kung minsan, mayroon pa ngang matataas na bakod o pader upang paghiwalayin ang mga teritoryong sakop ng ibat-ibang bansa. Ngunit, alam po ba ninyo, marami sa mga hanggahan ng mga bansa sa daigdig ang napaka-interesante at kawili-wili? Narito ang ilang halimbawa.


Hanggahan ng Portugal at Espanya.

Hanggahan ng Estados Unidos at Kanada.

Hanggahan ng Estados Unidos at Kanada – Ang kalahating bahagi ng parke ay teritoryo ng Amerika at ang natitirang hati ay teritoryo naman ng Kanada.

Hanggahan ng Amerika at Kanada. Ang gate na ito ay nangangahulugang kapayapaan. Ito ang pinakamahabang hanggahan sa daigdig na walang bantay.

Hanggahan ng Argentina, Uruguay, at Brazil.

Hanggahan ng Netherlands at Belgium. Ang bahaging may "NL" ay teritoryo ng Netherlands at ang may simbolong "B" naman ay teritoryo ng Belgium. Ang mga tao doon ay maaring kumain sa Netherlands at matulog sa Belgium.


Hanggahan ng Mexico at Amerika. Ang mga mamamayan ng dalawang bansa ay naglalaro ng volleyball, gamit ang bakod sa hanggahan.

Hanggahan ng Austria, Slovakia, at Hungary---isang dining table.

Hanggahan ng India at Pakistan. Ito ang itinuturing na pinakamapanganib na hanggahan na may pinakamaraming alitang pulitikal. Dahil dito, inilawan ito ng mga searchlight. Kahit sa kalawakan, maaring makita ang malinaw na linyang ito.
| ||||
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |