Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Kauna-unahang taunang pulong ng Non-governmental Forum ng CICA, binuksan

(GMT+08:00) 2015-05-25 16:07:27       CRI

Binuksan ngayong araw sa Beijing ang kauna-unahang taunang pulong ng Non-governmental Forum ng Conference on Interaction and Confidence-Building Measures in Asia (CICA). Ipinadala ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang mensaheng pambati sa pulong. Dumalo sa seremonya ng pagbubukas si Yu Zhengsheng, Tagapangulo ng Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino (CPPCC), at iniharap niya ang apat (4) na mungkahi para sa pagsasakatuparan ng ideyang panseguridad ng Asya.

Nagtalumpati si si Yu Zhengsheng, Tagapangulo ng Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino (CPPCC), sa kauna-unahang taunang pulong ng Non-governmental Forum ng Conference on Interaction and Confidence-Building Measures in Asia (CICA).

Sa kanyang talumpating pinamagatang "Pagpapasulong ng Seguridad ng Asya, Pagsasakatuparan ng Komong Pag-unlad," tinukoy ni Yu na ang kasalukuyang taon ay ika-70 anibersaryo ng tagumpay ng anti-fascist war ng daigdig. Aniya, nitong 70 taong nakalipas, nananatiling matatag sa kabuuan ang situwasyong panseguridad ng Asya, at natamo ng mga usapin ang mga historikal na progreso. Ngunit, kailangan pa ring palakasin ang pundasyon ng matatag na pag-unlad ng Asya, dagdag pa niya.

Tungkol dito, iniharap ni Yu ang 4 na mungkahi: una, dapat palalimin ng mga bansang Asyano ang pagtitiwalaang pulitikal, at itatag ang bagong partnership ng Asya; ikalawa, dapat pasulungin ang diyalogong panseguridad, at itatag ang platapoma ng seguridad at kooperasyon sa Asya; ikatlo, dapat palakasin ang kooperasyong pangkabuhayan; ikaapat, dapat pasulungin ang diyalogo ng sibilisasyon.

Salin: Li Feng

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>