|
||||||||
|
||
Idinaos kahapon sa Beijing ang unang taunang pulong ng Non-Governmental Forum ng Conference on Interaction and Confidence-Building Measures in Asia (CICA).
Sa kanyang talumpati sa seremonya ng pagbubukas ng pulong na ito, ipinahayag ni Yu Zhengsheng, Tagapangulo ng Chinese People's Political Consultative Conference, na dapat ipatupad ang konsepto sa seguridad ng Asya, na iniharap ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina noong isang taon sa Shanghai Summit ng CICA.
Sinabi ni Yu na kinakaharap ngayon ng Asya ang malaking hamong dulot ng mga elemento ng di-tradisyonal na seguridad, na gaya ng terorismo, transnasyonal na krimen, environmental security, cyber security, seguridad sa yaman at enerhiya, likas na kalamidad, at iba pa. Pero aniya, ang kasalukuyang rehiyonal na mekanismo ng kooperasyong panseguridad ay hindi sapat para makatugon sa mga hamong ito. Sinabi niyang kailangang magkakasamang pag-aralan ng mga bansang Asyano ang mas mahusay na landas para maisakatuparan ang seguridad sa rehiyong ito.
Salin: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |