Ayon sa ulat ng Australian Broadcasting Corporation (ABC) ngayong araw, dulot ng penomenon ng El Niño, dumaranas ng tagtuyot ang maraming probinsya sa Pilipinas, liban sa probinsyang Cebu. Kabilang dito, grabe ang tagtuyot sa walong (8) probinsya.
Ayon sa mga magsasakang lokal, halos 40% ng mga pananim ang nasira ng tagtuyot. Anila, mababawasan nang malaki ang output ng pagkaing-butil sa taong ito. Para rito, gagamitin ng mga opisyal sa iba't-ibang probinsya ng bansa ang halos sampung (10) libong dolyares na pangkagipitang pondo para makabawi sa kapinsalaan ng mga magsasaka.
Salin: Li Feng