Sinabi kahapon ni Tagapagsalita Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsina, na itatayo ng kanyang bansa sa mga isla at reef sa South China Sea ang mga lighthouse at iba pang pasilidad na pansibilyan. Ito aniya ay mahalagang hakbang para isabalikat ang pandaigdig na responsibilidad at obligasyon sa mga aspekto ng maritime search and rescue, kaligtasan sa nabigasyon, paglaban sa likas na kalamidad, pagmomonitor sa klima, pangangalaga sa kapaligirang ekolohikal, at iba pa.
Dagdag ni Hua, sisimulan ng Tsina ang konstruksyon ng mga lighthouse sa Huayang Reef at Chigua Reef sa South China Sea. Ang mga ito aniya ay magbibigay-tulong sa paglalayag ng mga bapor ng iba't ibang bansa na daraan sa karagatang ito, para palakasin ang kaligtasan sa nabigasyon.
Salin: Liu Kai