|
||||||||
|
||
Anang artikulo, nauunawaan ng Tsina ang pagkakaroon ng Amerika ng sariling palagay at malasakit sa isyu ng South China Sea, pero kahit isang malaki at malakas na bansa ang Amerika, wala pa rin itong kapangyarihang gawin ang nais sa relasyong pandaigdig.
Ayon pa rin sa artikulo, sa kasalukuyan, ang kaunlaran ay unang hangarin ng mga bansa sa paligid ng South China Sea, at pangunahing tunguhin din sa rehiyong ito, kaya hindi sila umaasang masisira ng hidwaan ang kanilang kooperasyon, at nagsisikap sila para mapayapang lutasin ang isyu ng South China Sea. Anang artikulo, dapat igalang ng Amerika ang tunguhing ito, at magsikap para makilahok sa kooperasyon sa rehiyong ito, at magdulot ng mga positibong elemento sa kapayapaan at katatagan sa South China Sea, sa halip na isinasaalang-alang lamang ang pagkontrol sa rehiyong ito at paghahangad ng sariling interes.
Salin: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |