YANGON, Myanmar--Pinasinayaan ngayong araw ang myanmar.china.com, website sa wikang Myanmar na nasa pagtataguyod ng china.com, isa sa mga pangunahing portal ng Tsina.
Sa kanyang talumpati sa pasinaya, sinabi ni Yang Houlan, Embahador ng Tsina sa Myanmar na sa panahon ng new media, ang myanmar.china.com ay nagsisilbing bagong plataporma para sa pagpapalitan at pag-uunawaan ng mga mamamayan ng Tsina at Myanmar.
Sinabi naman ni Ye Htut, Ministro ng Impormasyon ng Myanmar na ang nasabing website ay makakatulong sa mga mamamayan ng kanyang bansa para maunawaan ang hinggil sa Tsina, at magbubuhos din ito ng bagong sigla para sa pagkakaibigan ng mga tao ng dalawang bansa.
Salin: Jade