Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Embahador ng Tsina sa Australia, inilahad ang paninindigan ng Tsina sa isyu ng SCS

(GMT+08:00) 2015-05-28 11:07:35       CRI

Ipinalabas kamakailan ni Ma Zhaoxu, Embahador ng Tsina sa Australia, ang isang artikulong pinamagatang "Pangangalaga sa Kapayapaan at Katatagan ng South China Sea" sa pahayagang "The West Australian." Tinukoy niya na may di-mapapabulaanang soberanya ang Tsina sa Nansha Islands at karagatang nakapaligid dito, at mayroong lubos na batayang historikal at pambatas.

Ipinahayag ni Ma na ang Tsina ay bansang pinakamaagang nakatuklas, nagbigay-pangalan, at naggalugad ng Nansha Islands, at ito rin ang bansang pinakamaaga at sustenableng nagsasagawa ng pangangasiwa sa mga islang ito.

Bago ang ika-7 dekada ng nagdaang siglo, walang anumang bansang nagduda sa soberanya ng Tsina sa Nansha Islands, kaya tahimik ang situwasyon ng SCS. Ngunit, pagkatapos nito, sinimulang ilegal na sakupin ng ilang bansa ang baybaying-dagat ng mga isla sa Nansha. Aniya, ang nukleo ng isyu ng SCS, ay hidwaan sa teritoryo sa Nansha na dulot ng ilegal ng pagsakop ng ilang bansa sa mga isla sa Nansha Islands ng Tsina.

Sa kanyang artikulo, tinukoy ni Ma na ang pagsasagawa ng Pamahalaang Tsino ng may kinalamang konstruksyon sa ilang isla ng Nansha ay nasa loob ng soberanya ng panig Tsino. Ito aniya ay angkop sa batas at katarungan, at hindi nakaapekto at nakatuon sa anumang bansa.

Salin: Li Feng

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>