Pinabulaanan kahapon ni Tagapagsalita Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsina ang akusasyon ng Kalihim ng Depensa ng Amerika sa konstruksyon ng Tsina sa mga isla at reef sa South China Sea. Sinabi ni Hua na ang ginawa ng Tsina ay angkop sa responsibilidad nito bilang isang malaking bansa, at walang karapatan ang anumang bansa na batikusin ang Tsina.
Dagdag ni Hua, nagiging bulag ang Amerika sa ilegal na konstruksyon ng ilang bansa sa mga isla at reef ng Tsina sa South China Sea, sa halip, binabatikos nito ang normal at lehitimong aksyon ng Tsina sa loob ng soberanya nito. Ito aniya ay nagpapakita ng "double standard" o di-hayag na intensyon ng panig Amerikano sa isyung ito.
Salin: Liu Kai