Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pangulong Aquino, Ipinagtanggol ang K to 12

(GMT+08:00) 2015-05-29 18:34:31       CRI

HANDA ang Pilipinas para sa K to 12 program. Ito ang sinabi ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III sa isang pagtitipon hinggil sa K to 12 sa Philippine International Convention Center kanina.

Sinabi niyang mayroong nangangamba ng dagdag pasanin ito ng mga mangulang, mga mag-aaral at mga guro.

Aniya, matagal na itong pinaghandaan at pinagbalakan at dumaan na rin sa mga konsultasyon.

Pinagtatangkaan ni Pangulong Aquinong pawiin ang agam-agam ng iba't ibang sektor. Idinagdag niyang pagkakataon ito upang higit na masanay ang mga kabataan sa kanilang pag-aaral.

Napapag-iwanan na ang Pilipinas ng daigdig sapagkat tatatlong bansa na lamang ang mayroong 10 taong basic education at tanging nag-iisa sa Asia.

Sa K to 12 Program, ang educational system ay maaayon sa pandaigdigang pamantayan. Mayroong sapat na pondo para sa repormang ipatutupad sa ilalim ng bagong palatuntunan.

Sa panig ni Bro. Armin Luistro, ang Kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon, walang anumang repormang magaganap kung walang oposisyon. Higit umanong nakakatakot kung walang naririnig na oposisyon.

Magugunitang nilagdaan ni Pangulong Aquino ang K to 12 program noong 2013 at may pangalang Enhanced Basic Education Curriculum.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>